Duration 1:52:22

Ang pag-amin na nagsinungaling ang SDA sa palpak na propaganda laban sa simbahang Katoliko

Published 23 Dec 2021

#FAITH #SEEKING #UNDERSTANDING Muling ilalantad na naman natin ang modus nga SDA ang kanilang mga propaganda laban sa simbahang Katoliko at ang kanilang kasinungalingan na nauna na nating nailantad. Isa-isahin natin dahil ayon sa kanila pinalitan daw ng simbahang Katoliko ang Sabbath to Sunday. "WALA tayong MABABASA sa BIBLIYA na NAGTIPON pa nang SABADO ang mga UNANG KRISTIYANO matapos MABUHAY MULI si HESUS." Katunayan, kahit po kaugnay sa PANGINOONG HESUS ay WALANG NATALA na noong nandito pa Siya sa lupa ay nakipagtagpo Siya sa mga alagad Niya sa ARAW ng SABADO. At bakit po HINDI NAKIPAGTAGPO si KRISTO sa mga ALAGAD Niya sa ARAW ng SABADO? Hindi po ba iyon sana ang magandang pagkakataon na MAGPAKITA SIYA sa kanila? Kung Sabado kasi nagtitipon noon ang mga Kristiyano ay mas dapat na doon sila dalawin ni Hesus dahil sama-sama na sila. Ang kaso po ay LINGGO o UNANG ARAW ng linggo NAGTITIPON noon ang mga ALAGAD ni KRISTO kaya LINGGO NAGPAKITA sa kanila si Hesus. Ang una nga pong pagkakataon ay noong gabi matapos na MABUHAY na MULI si HESUS. Sabi sa John 20:19, "Sa gabi ng UNANG ARAW ng linggo, habang ang mga pinto ay nakakandado kung nasaan ang mga alagad dahil sa takot nila sa mga Hudyo, DUMATING si HESUS at tumayo sa gitna nila at sinabi sa kanila: SUMAINYO ang KAPAYAPAAN." Pagkalipas ng ISANG LINGGO—ibig sabihin ay LINGGO uli o UNANG ARAW na naman—ay NAGTIPON-TIPON na naman ang mga KRISTIYANO. Sabi sa Jn 20:26, "Matapos ang isang linggo, ang mga ALAGAD ay NASA LOOB NA NAMAN at si Tomas ay kasama na nila." "DUMATING si Hesus, kahit pa nakakandado ang mga pinto, at tumayo sa gitna nila at sinabi: SUMAINYO ang KAPAYAPAAN." KITA po ninyo? DALAWANG MAGKASUNOD na ARAW ng LINGGO NAGPAKITA si HESUS sa Kanyang mga ALAGAD. Bakit HINDI SABADO? Dahil BINIBIGYANG DIIN ang LINGGO na siyang ARAW ng PAGKABUHAY ni Kristo. Ang MULING PAGKABUHAY nga po kasi ang pinakamahalagang bagay sa isang KRISTIYANO. Dahil kung hindi dahil sa PAGKABUHAY na MULI ni KRISTO ay walang kabuluhan ang ating pananampalataya. (1 Corinthians 15:14) Heto pa, Capitol. Ang mga PAGTITIPON mismo ng mga KRISTIYANO sa Bible ay sa UNANG ARAW GINAWA at HINDI sa IKAPITO. Ganito ang mababasa sa Acts 20:7, "Sa UNANG ARAW ng LINGGO nang kami ay MAGTIPON para sa PAGHAHATI-HATI ng TINAPAY, nagsalita si Pablo sa kanila dahil siya ay aalis kinabukasan at patuloy siyang nagsalita hanggang hatinggabi." Paki pansin po ang sinabi riyan na "Sa UNANG ARAW ng LINGGO NANG kami ay MAGTIPON para sa PAGHAHATI-HATI ng TINAPAY." Diyan po ay MALINAW na LAGI na nilang GINAGAWA ang PAGTITIPON-TIPON sa UNANG ARAW o sa ARAW ng LINGGO. Katunayan, noong nagsalita sa kanila si Pablo ay ISINABAY na lang iyon sa LINGGUHAN nilang GAWAIN. Ngayon, heto pa po ang PATUNAY na LAGI nang sa UNANG ARAW o sa araw ng LINGGO na sila NAG-IIPON-IPON. Sa 1 Cor 16:2 ay sinabi ni Pablo, "Sa UNANG ARAW ng LINGGO ang bawat isa sa inyo ay kailangang magtabi at mag-ipon ng kanyang makakayanan upang ang koleksyon ay hindi na gagawin sa aking pagdating." Bakit po dapat daw ang koleksyon ay sa UNANG ARAW ng LINGGO o sa ARAW mismo ng LINGGO? Dahil po ang mga KRISTIYANO noon pa mang panahon ng mga apostol ay sa UNANG ARAW NA NAGTITIPON at HINDI NA sa IKAPITONG ARAW o sa araw ng SABADO. Diyan po natin makikita na ang mga TUNAY na TAGASUNOD ni KRISTO ay LINGGO ang PANLAHATANG PAGTITIPON at HINDI SABADO. Ang mga nag-iipon-ipon ng SABADO ay mga HUDYO. Katunayan po, ipinapakita sa Bibliya na dahil HINDI NA SABADO NANGINGILIN ang mga KRISTIYANO ay hinuhusgahan na sila ng ibang tao. At para bigyan sila ng lakas ng loob ay sinabi ni Pablo sa mga KRISTIYANO sa Colossians 2:16, "Kaya, huwag ninyong hayaan na husgahan kayo ukol sa mga bagay na tulad ng pagkain at inumin o kaugnay sa isang kapistahan o isang bagong buwan o sa SABBATH." Ngayon nga po ay may mga tao na HINUHUSGAHAN ang mga KATOLIKO kaugnay sa SABBATH. Kesyo "binago" raw o "inilipat" ng mga Katoliko ang araw ng pangilin. Dapat daw ay SABADO. Pero sa mga Katoliko po ay sinasabi ng BIBLIYA na HUWAG TAYONG PAHUHUSGA sa mga SABADISTA. (Col 2:16) TAMA po ang ating GINAGAWA at PINATUTUNAYAN iyan ng GAWAIN ng mga UNANG KRISTIYANO ------------------------------------------------------------------- Bro. Wendell P. Talibong on Social Media --------------------------------------------------------------------- Facebook page: https://www.facebook.com/Pananampalat ... https://www.facebook.com/Deliverance- ... https://www.facebook.com/brwendell.ta ... --------------------------------------------------------------------- FOR SPEAKING ENGAGEMENT & BRAND COLLABORATION, CONTACT ME: Email: christipax513@gmail.com --------------------------------------------------------------------- FOR THE EVANGELIZATION AND CHARITABLE WORKS, you may donate through ACCOUNT NAME: SOCIETY OF SAINT VINCENT DE PAUL PHILIPPINES INC. ACCOUNT NUMBER: 450-3-45017137-0 ✅Metrobank Burgos Branch, Ozamiz City: ✅GCASH: 09052223328 PAYPAL: @wendelltalibong

Category

Show more

Comments - 103