Duration 2:39

BAKA ISA KARIN SA MGA ITO | INGGIT | SPOKEN WORD HUGOT | TAGALOG POETRY | BY MHAY | LITTLE BIT

190 watched
0
5
Published 25 Feb 2023

■●TITLE: "INGGIT" | Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational | Love | hugot ■●BY: Little Bit●■ "INGGIT" Sabi nila,kapag naiinggit ka.. Ipikit mo nalang ang iyong mga mata.. Pero pano kung gusto mo parin itong makita,dahil nagagandahan ka sa kung anong mga bagay ang meron sya.. Pero naiinggit ka.. Inggit na hindi mo magawang pigilan.. Kaya't nagiging dahilan kung bakit ka naiiniz.. Kung bakit ka nagagalit.. Pero naisip mo ba na hindi ito tama?.. Dahil maaari pa itong lumala at iyong ikasira.. Yung simple mong pagka-inggit ay pwedeng mauwi sa iyong pagkamunghi.. Na nagiging dahilan ng hindi mo magandang pag-uugali.. Yan ang dahilan kung bakit hindi ka magiging masaya.. Pagka't hindi ka marunong makuntento sa mga bagay na kung anong meron ka.. Mga bagay na ipinagkaloob sayo,na dapat ay pinapahalagahan mo.. Ngunit mas pinagtutuunan mo ang sa iba na palagi mong pinupuna.. Imbes na maging masaya ka nalang para sa kanila.. Ang inggit ay parang isang sakit.. Sakit na mahirap nang lunasan,lalo na't ito'y iyo nang nakasanayan.. Kaya't hindi mo namamalayan na nawawalan kana ng kaibigan.. Dahil sa ginagawa mo sa kanilang kasiraan.. Kaya't hindi kana nila magawang pagkatiwalaan.. Dahil sa ipinapakita mong ka-plastikan.. Dulot ng iyong pagka-inggit,ay nagagawa mong makasakit.. Makasakit ng damdamin dahil wala naman silang ginagawang masama.. Pero palagi kang may puna na hindi maganda,dahilan ng inggit mong dinadala.. Kapag sila ay nakaka-angat,pilit mo itong ibinababa.. Kapag sila naman ay nasa baba,lalo mo pa itong kinakawawa.. Wala kanang magagawa kapag sa INGGIT ay hindi kana makawala.. Pagka't INGGIT din ang magpapabagsak sayo,kapag ikaw ay nagpadala at tuluyan nang hindi makalaya... ■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share ■● YOUTUBE CHANNEL : /@ LittleBit01 ■●FACEBOOK PAGE : ■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE ♡ GOD BLESS YOU ALL♡ ■●THANKS PO 🥰🥰🥰 Music Produce By: /watch/QgVCALTfFeUfC #poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry

Category

Show more

Comments - 1